Inirekomenda ng panel of experts mula sa Philippine General Hospital ang suspensyon ng Dengue Vaccination Program dahil hindi naman anito isandaang porsyentong epektibo ang Dengvaxia.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo anim napung porsyento lamang na epektibo ang Dengvaxia at ito aniya ay mas mababa kumpara sa halaga ng bakuna.
Ang pondo aniya para sa vaccination program ay isinusulong ng panel na magamit sa iba pang anti dengue measures tulad nang paglilinis ng kapaligiran at tiyaking mapupuksa ang lamok na nagdadala ng dengue virus.
Gayunman binigyang diin ng panel na kahit pa nagdulot ng problema ang Dengvaxia nananatili pa rin itong epektibo laban sa dengue para sa mga hindi pa nakaranas ng nasabing sakit.