Pinasususpende ng grupo ng mga mangingisda ang excise tax sa produktong petrolyo bunsod sa taas presyo nito.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kailangan ng mga mangingisda ang big-time rollback sa presyo ng langis dahil nababaon sa utang at mataas na gastos sa produksyon.
Dagdag pa nito, sakaling sususpindihin ang excise tax sa gasolina posibleng lumiit ang production cost ng mga mangingisda na hindi bababa sa halagang 160 pesos kada byahe na may kabuuang 2, 560 pesos kada buwan.
Gayunpaman, nanawagan ang grupo ng mga mangingisda para sa ikauunlad ng produktong agrikultura at pangisdaan. —sa panulat ni Jenn Patrolla