Posibleng isuspendi na rin ang klase sa lahat ng antas sa Lungsod ng Maynila sa araw ng SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, kanya nang pinag-aaralan ang pagkansela sa mga klase ng mga estudyante kasunod na rin ng payo ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Una nang inanunsyo ang kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas sa Quezon City sa Lunes.
Ayon sa PCO o Presidential Communications Office, ito ay bahagi ng preparasyon para sa maayos na daloy ng trapiko patungong Batasan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita.
Kasabay nito, hinikayat na rin ng palasyo ang mga bisita na mag-car pool dahil aabot sa 3000 ang bilang ng mga ito.
By: Krista de Dios / Aileen Taliping / Aya Yupangco
Suspensyon ng klase sa lungsod ng Maynila sa SONA pinag aaralan was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882