Pinalawig pa ng Baguio City government hanggang Agosto 15 ang pansamantalang suspensyon ng non-essential travels sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kailangang palakasin ang mga hakbangin para hindi makahawa ang COVID-19 partikular ang Delta variant nito.
Gagamitin aniya nila ang panahong suspendido ang non-essential travels para tutukan ang border management, contact tracing at patient management sa lahat ng health facilities ng lungsod.
Tiniyak din ni Magalong ang pagpapalakas ng efforts upang pataasin ang health care capacity, pagbili ng mga gamot at iba pang supplies.
Ang Baguio City ay nakapagtala ng 373 active cases hanggang nitong nakalipas na Agosto 5 at 12 barangay sa lungsod ang kasalukuyang naka lockdown.