Pinag-aaralan ng Comelec ang pag suspindi ng Overseas Absentee Voting (OAV) sa anim pang bansa.
Kabilang dito ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo ay ang mga bansang Iraq, Algeria, Chad, Tunisia na pawang walang overseas voting capabilities at Afghanistan at Ukraine na mayroong isinasagawang mandatory repatriation.
Una nang sinuspindi ng Comelec ang OAV sa Shanghai, China kung saan mayroong mahigit 1,600 registered pinoy voters dahil sa ipinatutupad na lockdown.