Tinawag na exaggerated ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang suspensyon ng pagturok ng bakuna ng AstraZeneca sa mga edad 60 pababa.
Iginiit ni Concepcion na dapat maging pangunahing kunsiderasyon ang mga benepisyo ng bakuna kaysa panganib nito.
Ayon kay Concepcion, sobrang exaggerated ang pagbabawal sa Pilipinas gayung wala namang maraming bakuna rito, samantalang sa United Kingdom ay hindi muna uubrang iturok ang AstraZeneca vaccine sa mga edad 30 pababa.
Sinabi ni Concepcion na ‘very rare’ o bibihira lamang ang napapaulat na panganib ng bakuna ng AstraZeneca kung saan apat na insidente lamang ng blood clot o pamumuo ng dugo ang napaulat sa kada 1-milyong tinurukan nito.