Tila iisang direksyon lamang ang pupuntahan ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspindehin ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus.
Ito’y ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman ay dahil sa parehong-pareho ang istilo nila Pangulong Duterte at dating Pangulong Ferdinand Marcos nang ideklara nito ang Martial Law o batas militar.
Sinabi ng mambabatas na nuong panahon ni Marcos, sinuspinde muna nito ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus at saka nito idineklara ang Martial Law ilang buwan lang ang nakalipas.
Kasunod nito, inalerto ni Lagman ang publiko na maging mapagbantay sa tinatahak ng pamahalaan sa naturang usapin.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc