Aprubado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa suspensyon ng trabaho at klase, ngayong araw dahil sa bagyong Karding.
Saklaw ng suspensyon ang trabaho sa lahat ng government offices at klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region; Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5 at Cordillera Administrative Region.
Hindi kasama rito ang frontline agencies na nagbibigay ng emergency services.
Ipinauubaya naman ng NDRRMC sa mga kumpanya at pamunuan ng mga paaralan ang pasya sa suspensyon ng trabaho at klase sa private sector at schools.