Pagpupulungan ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang counterpart sa Amerika ang resulta ng suspensyon ng VFA termination.
Ipinabatid ito ni AFP Chief General Felimon Santos, Jr. At naninindigan aniya sila sa desisyong suspendihin ang pagbuwag sa VFA.
Binigyang diin ni Santos na committed ang AFP na patuloy na isulong ang Defense Cooperation sa kanilang US conterparts partikular sa shared security interests para malabanan ang terorismo at tugunan din ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Una nang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin ang pag suspindi ng Pilipinas sa termination ng VFA sa loob ng anim na buwan sa gitna na rin ng mga pagbabagong pulitikal at iba pang aspeto sa rehiyon.