Pinamamadali na ng Sandiganbayan sa DILG ang 90 araw na suspensyon ni incumbent Vice Mayor Servando Soriano ng Roxas, Isabela
Si Soriano ay nahaharap sa paglabag sa malversation of public funds kaugnay sa maanomalyang paggagawad ng 25 Million Pesos na pondo para sa rice program sa gobyerno ng Isabela ng isang Non Government Organization nuong 2006
Nabatid na walang naganap na bidding sa implementasyon sa naturang proyekto ng Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation Incorporated na nakitaan pa ng ilang deficiencies
By: Judith Larino