Direkta nang tututukan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga reklamo laban sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ito’y makaraang tanggalin na ng LTFRB ang ipinatupad nitong suspensyon sa pagtanggap ng mga bagong aplikasyon para sa TNVS operators nuong Hulyo 2016.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, hawak na kasi nila ngayon ang master list ng mga driver ng TNVS kaya’t wala nang kontrol sa mga reklamo ang mga TNC’S tulad ng Grab at Uber.
Kasunod nito, pinagsabihan din ng LTFRB ang mga TNVS na dapat balikatin din ng mga operator ang paghahain ng Income Tax Return (ITR) sa pag-a-apply ng kanilang mga prangkisa.