Naniniwala si Philippine Army Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana na kailangan nang tumayo sa sariling paa ng Pilipinas partikular sa defense capabilties nito.
Inihayag ito ni Sobejana bilang reaksyon sa isinusulong na panukala sa US Congress na suspindehin ang mga ibinibigay na tulong sa AFP at PNP dahil sa mga paglabag umano sa karapatang pantao at pagpasa sa Anti-Terror Law ng Pilipinas.
Ayon kay Sobejana, wala namang epekto sa kanilang hanay sakaling tigil na ng Amerika ang tulong nito sa kanila dahil tuloy-tuloy pa rin naman ang kanilang modernization program.
Dagdag pa ng heneral, maaari rin naman nilang buhayin ang kaniang self – reliant defense posture at mayruon ding direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing revenue generating assets ang ilang military reservation sa bansa para matustusan ang kanilang pangangailanga.