Pinagtibay ng Sandiganbayan ang 90 araw na suspensyon laban kay Mayor Datu Sajid Islam Ampatuan ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha.
Ibinasura ng sixth division ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Ampatuan sa Suspension Order ng Office of the Ombudsman dahil sa kawalan ng merito.
Batay sa resolusyon ng Sandiganbayan, hindi maaari ikatwiran ni Ampatuan na hindi sya nabigyan ng pagkakataong lumahok sa preliminary investigation ng ombudsman dahil pinagsumite sya at nagsumite naman sya ng kanyang counter affidavits.
Si Ampatuan ay akusado ng graft, malversation, at falsification of public records dahil sa di umano’y maling paggamit ng mahigit sa P70-milyong pondo nuong 2009 na gobernador pa sya ng Maguindanao.
Ang pondo ay nakalaan sana para sa repair ng school buildings subalit inilaan di umano ito ni Ampatuan sa mga ghost lumber companies.