Sadyang nakapagpapalawak ng karanasan sa buhay ang pagba-biyahe at ito ay maituturing na pinakamagandang paraan para makita kung anu ano ang mai-o-offer ng buhay at mundo sa lahat.
Kaya naman, sa isang expert na kagaya ni Architect Ian Fulgar, Principal Architect sa The Fulgar Architects ang kakaiba niyang experience sa pagde-design ng mga bahay at paggawa ng maayos na espasyo para sa mag anak ..ay nagmumula sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa at exposure sa global projects.
Binigyang-diin ni Architect Fulgar na ang lumalago ang architecture profession dahil sa patuloy sa pag-aaral at exposure sa mga bagong idea, techniques at kultura na aniya’y personal nyang nararanasan na nakapagsusulong ng kanyang professional growth at expertise.
Lumawak pa ang exposure ni Architect Fulgar sa mega projects sa ibang bansa nang mabigyan siya ng design prize sa Singapore, kung saan natutukan nya ang cutting edge design, technology at sustainability principles na kanyang dinala sa Pilipinas para na rin matukoy ang mga aniya’y gaps at shortcomings sa pag-approach ng bansa sa architecture at urban planning.
Isa ang coastal at reclamation sa most widely used o pinakanagagamit na urban planning developments sa buong mundo kaya naman naisip ni Architect Fulgar na ang Manila Bay ay uubrang ma inspire sa success story ng dubai na nagkaruon ng transformation bilang ultramodern city at lider sa innovative development.
Maaari aniyang mapantayan ng Pilipinas ang nasabing success story ng Dubai sa pamamagitan nang pag-adopt sa ilang critical factors tulad ng maganda at malakas na ugnayan ng public at private sectors, sustainable development, mga bagong teknolohiya at modern infrastructure and connectivity.
Ayon sa Philippine government gayundin sa market intelligence research ang mga reclaimed land projects ang magdadala ng pinakamagandang push sa ekonomiya ng bansa dahil ang expansion ay magpapalago pa sa mga kasalukuyang industriya kung saan mahuhugot ang mga bagong trabaho, mas malaking kita at mas mataas na real estate value.
Nabatid mula sa colliers na ang current value ng reclaimed land sa manila bay area ay naglalaro sa 200,000 hanggang 250,000 pesos kada square meter o tumaas pa sa average na 30% kada taon sa nakalipas na limang taon.
Ang correlated approach sa architecture at urban planning:
Para mapalawak ang kanyang architectural knowledge kabilang sa factors na kinukunsider ni Architect Fulgar ang pagkakaruon ng mayamang kultura at mga pamana at pag-usbong ng mga trend at concepts sa contemporary achitecture.
Ang preserved culture and heritage significant aniya ay patunay ng magandang national identity ng bansa at pagkakaruon ng balanse sa pagtian ng mga luma at bago na siyang nagsisilbing inspirasyon sa mga arkitekto at urban planners para maimpluwensyahan ang contemporary design practices upang ma protektahan ang nakaraan, mai ugnay sa kasalukuyan at sumulong sa kinabukasan.
Dito naisasakatuparan ang ang mga trends at concepts sa anumang future iconic centers at designs na may potensyal na maging next generation landmarks.
Binigyang-diin ni Architect Fulgar na krusyal ang pagtanggap at pagyakap sa susunod na bugso ng architectural trends dahil makakatulong ito sa mga arkitekto na mag adapt sa pabagu bago at paiba ibang pangangailangan at expectations ng bansa gayundin ay hinihimok nito ang development ng sustainable and resilient designs bilang panabla na rin sa epekto sa kapaligiran ng built environment at mapaganda ang kalidad ng buhay ng future generations.
Tiniyak ni Architect Fulgar ang commitment para manatiling engaged sa nakaraan at kinabukasan habang puspusan ang pagsusulong sa aniya’y culturally grounded and progressive designs.
Ang mga nasabing dahilan ay sadyang napakahalaga lalo nat ang reclamation projects ay itinutulak ng global property developments bilang forward looking approach sa urban development at mga coastal lands ay itinuturing na blank canvas kung saan isasama ng mga architects at urban planners ang sustaianbility and disaster resilience practices para makaagaapay sa epekto ng climate change at iba pang hamon sa kapaligiran.
Dubai, Singapore, Paris at Japan:
Exceptional urban developments, safety, consideration for fellow citizens at iconic landmarks.
Ito ang mga qualities sa pagkakaiba iba ng mga cities at bansa na ayon kay Architect Fulgar ay malaki ang maidaragdag sa karanasan at pagsusulong nang maaaring paghugutan ng identity ng isang lugar at kung ano ang pinapahalagahan ng mga tao.
Ayon kay Architect Fulgar ang safety o kaligtasan ay isa sa pangunahing aspeto ng urban design kayat sa mga napuntahan na niyang city ang safety aniya ang nakapag iiwan ng ika nga’y lasting impression partikular sa Dubai.
Partikular na na-impress si Architect Fulgar sa pagtutuon ng pansin sa seguridad at kumprehensibong approach sa kaligtasan ng Dubai kung saan ang well lit, maayos na public transportation system at pedestrian friendly infratructure ay susi sa sense of security na piankamahalaga sa isang thriving city.
Maituturing din ang consideration para sa kapwa ..ayon kay Architect Fulgar na sign ng isang malakas na komunidad na pinatutunayan ng pagpapatupad ng inclusive and accessible design principles tulad sa singapore kung saan mahigpit na tinututukan ang social cohesion sa pamamagitan ng open spaces at community driven initiatives.
Sinabi ni Architect Fulgar na ang urban planning sa Singapore ay nagpapakita ng harmonious atmosphere na napakalahaga sa anumang itinuturing na exceptional city.
Inihayag pa ni Architect Fulgar na ang iconic landmarks ay isa sa mga aspetong nagpapakita ng identity ng isang city o bansa kaya naman bumibilib siya sa mga lugar na napanatili ang kanilang mayamang cultural at heritage qualities sa gitna nang modernity at progress tulad ng Eiffel Tower ng paris dahil sa pagiging lively at aesthetic appeal gayundin ng kyoto partikular ng ancient temples nito na nagko-co-exist sa contemporary structures at nagbibigay pugay sa kasaysayan at pag respeto sa kultura.
Bilang isang arkitekto binigyang-diin ni Architect Fulgar ang responsibilidad nyang payabungin pa ang mga qualities na ito sa kanyang trabaho, sa paghubog sa urban landscapes para sa kakaibang pangangailangan ng inhabitants nito habang itinataas ang human experience at pinalalakas ang sense of belonging and pride.