Hinikayat ni Philippine Orthopedic Center medical center chief Dr. Jose Brittanio S. Pujalte Jr. ang susunod na administrasyon na magtatag ng Centers for Disease Control (CDC) and a Philippine Vaccine Authority (PVA).
Ayon kay Pujalte, ang dalawang nasabing ahensya ang tutulong sa paghahanda ng bansa sa pagpigil ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit, endemic at pandemic.
Aniya, sa oras na maitatag ito, maglalabas ang CDC ang mga abiso at bulletins tungkol sa isang uri ng sakit na tanging sa siyensya lamang nakabase.
Ibig sabihin, hindi magbabase ang mga otoridad sa sinasabi ng economic managers, negosyante at mga pulitiko.
Habang magtutulak naman daw sa lokal na produksyon ng bakuna ang pagtatatag ng PVA.
Sa ganitong paraan aniya, hindi na dedepende pa ang Pilipinas sa bakunang iniaangkat at donasyon mula sa ibang bansa.