Target ng susunod na administrasyon na ayusin ang ilang government policies upang mahikayat ang pagpasok ng mas maraming foreign investors sa bansa.
Sinabi ni President-Elect Bongbong Marcos, dapat ayusin ang pamahalaan para bumuhos ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas maliban sa 100% foreign ownership.
Magugunitang, isa sa inilapit ng norweigian ambassador sa courtesy call nito kay PBBM ang pagbubukas ng pilipinas sa 100 percent foreign ownership lalo na sa energy sector.
Ani PBBM, may ilang issue ang dapat tugunan ng bansa para dumami ang foreign investors.
Dagdag pa ni marcos, kung maaayos muna ang mga isyu na ito ay madali na lang payagan ang 100% ownership.