Pinangalanan na ang magiging bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ipapalit kay AFP Chief of Staff Eduardo Año na itinalaga naman ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Ayon sa pahayagang Manila Standard si Eastern Mindanao Command Chief Lt. General Rey Leonardo ang susunod na AFP Chief.
Si Guerrero ay miyembro ng Philippine Military Class of 1984.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pagtalaga nito kay Año bilang DILG Secretary bago ito lumipad patungong Cambodia.
By Ralph Obina
Susunod na AFP Chief pinangalanan na was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882