Posibleng i-anunsiyo na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Pebrero a-13 o sa Lunes, Pebrero 14 ang susunod na alert level system sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magkakaroon ng preliminary assessment ang IATF para sa ibababang alert level na epektibo sa Pebrero a-16 hanggang huling araw ng buwan.
Bukod pa ito sa isasagawang pulong ng IATF sa weekend.
Unang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng irekomenda ang alert level 1 sa Metro Manila pero batay pa ito sa magiging desisyon ng IATF. —sa panulat ni Abby Malanday