Posibleng i-anunsiyo na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw o bukas, Pebrero 14ang susunod na alert level system sa metro manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasunod ito ng ginawang preliminary assessment ng IATF kung ibababa ang alert level na epektibo sa Pebrero a-disi-sais hanggang huling araw ng buwan.
Unang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng irekomenda ang alert level 1 sa Metro Manila pero batay pa ito sa magiging desisyon ng IATF.
Ikinokonsidera naman ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng bansa sa alert level 1 na maituturing na new normal sa gitna ng Covid-19. —sa panulat ni Abby Malanday