Pag-aaralan pa ng kampo ni Rappler CEO Maria Ressa ang susunod nilang hakbang matapos itong ma-convict sa kasong cyber libel.
Ayon kay Atty. Theodore Te, ilan sa mga options nila ay kuwestyonin ang naging desisyon ng Manila RTC Branch 46, maghain ng motion for reconsideration o apela.
Mayroon anya silang 15 araw para planunin ang susunod nilang hakbang.
Sinabi ni Te na sa kaso ng libel, mayroong discretion ang judge na magtakda ng kulong o multa na lamang.
We would’ve preferred acquittal but in this case the court went with imprisonment. The range however is pretty much within the range of the penalty that can be imposed it is pretty much the entire range of the indeterminate sentence and that leaves us some legal discussions on how to go forward with this. There are implications I will not mention them yet here because we really have not talked about it,” ani Te.