Ikinakasa na ni Top Rank boss Bob Arum ang susunod na laban ni boxing champ Manny Pacquiao.
Tuluyan nang isinantabi ni Arum ang rematch sa pagitan nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. makaraang i-anunsyo ni Mayweather ang kanyang pagreretiro sa boksing.
Napipisil ni Arum si Kell Brook, ang kasalukuyang International Boxing Federation Welteweight Champion para makalaban ni Pacquiao sa susunod na taon.
Katulad ni Mayweather, wala pang naitalang talo o tabla si Brook sa kanyang 36 na laban na kinabibilangan ng 24 na knockouts.
By Len Aguirre