Posibleng i-anunsyo na sa susunod na linggo ang makakalaban ni dating 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ayon ito sa kapatid ni Pacquiao na si Bobby kung saan ay patuloy ang negosasyon ng kampo ng Pambansang Kamao at ng Ukrainian fighter na si Vasyl Lomachenko.
Ito ay sa kabila ng mga naunang pahayag ng manager ni Lomachenko na malabong lumaban ang kanilang boksingero kay Pacquiao.
Maliban dito, sinasabing kabilang din sa napipisil na makalaban ni Pacquiao ay si Terrence Romeo.
Kung sakaling makapili na ng makakalaban si Pacquiao ay inaasahang sa Abril gaganapin ang naturang bakbakan.
—-