Hinirang na magiging susunod na Pangulo ng Kenya si Deputy president William Ruto.
Ito’y matapos makuha ni ruto ang 50.49% ng mga boto, kung saan natalo niya ang Veteran opposition leader at former Prime Minister na si Raila Odinga.
Si Ruto ang magiging ika-5 Pangulo ng Kenya mula nang maging independent ito.
Mayorya rin ng mga nagwagi sa mga Senador ay nagmula sa Kenya First Coalition, na partido ni Ruto.
Pinasalamatan naman ni Ruto ang mga mamamayan ng Kenya, maging ang kanyang kalaban na si Odinga, at nangakong magiging transparent at bukas ang kanyang administrasyon.
Samantala, ilang Senior election officials naman ang umalma sa naging resulta ng halalan, at pinangangambahan ang posibleng malawakang karahasan sa naturang bansa.