Aminado ang United Kingdom-Based Think Tank na malaking pagsubok para sa susunod na Pangulo ng Pilipinas, na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng infrastructure program ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Miguel Chanco, Chief Emerging Asia Economist ng pantheon macroeconomics, bagama’t matagumpay na napataas ng “Build, Build, Build” Program ang investment ng bansa, nabigo itong maabot ang mataas na goal.
Kahit kasi tumaas ang gastos ng bansa sa 4.5% ng GDP hanggang nitong 2021, malayo pa ito sa 7% na target ngayong taon.
Para kay Chanco, unang dapat pagtuunan ng susunod na pangulo ay mapaliit ang utang ng Pilipinas at paunlarin ang kita para magpatuloy ang gastos sa imprastruktura. – sa panulat ni Abby Malanday