Tinatayang aabot sa P6.4 Trillion o P62,000 kada isang Pilipino na utang ng bansa ang mamamanahin ng susunod na pangulo ng Pilipinas.
Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng freedom from debt coalition na nagsusulong na alisin na ang awtomatikong pangungutang sa usaping panghalalan.
Ayon kay Samy Gamboa, Secretary General ng FDC, dapat magsagawa ang susunod na administrasyon ng debt audit at tukuyin kung anong mga utang ng bansa ang hindi totoo o hindi dapat bayaran.
Paglilinaw ni Gamboa, bagama’t hindi naman ipinagbabawal ang pangungutang ngunit dapat aniyang matiyak ng pamahalaan na ito’y napupunta sa taumbayan at hindi sa bulsa lamang ng iilang tao sa gobyerno.
By: Jaymark Dagala