Aminado si MMDA Chairman Benhur Abalos na ang kawalang katiyakan kung may makukuhang ayuda ang dahilan kaya’t minabuti ng Metro Mayors na ipaubaya na lamang sa IATF ang desisyon sa pagpapatupad ng panibagong quarantine status sa NCR.
Ayon kay Abalos, maraming walang trabaho at nagugutom at bagaman may dahilan pa upang palawigin ang enhanced community quarantine, wala namang katiyakan kung may ibibigay pang ayuda.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi magpapatupad ng lockdown ang gobyerno kung walang ibibigay na financial aid sa mga residente.
Marami aniyang ikinukonsidera ang mga alkalde kung palalawigin ang ECQ tulad ng kakainin ng mga hindi palalabasin ng bahay maging ang 8 pm to 4 am Curfew.—sa panulat ni Drew Nacino