Handa si incoming President Rodrigo Duterte na itaya ang sariling buhay, karangalan at pagka-pangulo matupad lamang ang kanyang mga ipinangako sa bayan.
Binigyang diin ni Duterte na hindi siya natatakot sa anumang banta ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto kasunod ng kanyang kampanya kontra krimen at katiwalian.
Pursigido aniya siyang buwagin ang krimen na sanhi ng droga at korapsyon na aniya’y matagal nang nagpapahirap lalo sa taumbayan.
Iginiit pa ni Duterte na kaya siya nanalo ng landslide nitong nakalipas na halalan ay dahil sa dala niyang mensahe para sa mga Pilipinong sawa na sa bulok na sistema sa pamahalaan.
Kasunod nito, nanawagan din ang susunod na Pangulo sa publiko na tumulong sa pamahalaan upang mapagtagumpayan ang kanyang krusada.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: philippine star