Umapela na ng suporta mula sa international community si Myanmar de-facto leader Aung San Suu Kyi sa gitna ng refugee crisis sa kanilang bansa.
Sa isang televised speech, nanindigan si Aung na walang puwang sa kanilang bansa ang poot at takot kaya’t hindi nila nais magkaroon ng pagkakawatak-watak sa pamamagitan ng relihiyon o ethnicity.
Bagaman nakalulungkot ang sinapit ng mahigit apatnaraang libong Rohingya dahil sa kaguluhan, handa naman anya nilang tanggapin anumang oras ang mga magbabalik na refugee pero kailangang sumailalim sa “verification” process.
Patuloy ang paglikas ng mga Rohingya o Bengali Muslim sa Bangladesh dahil sa crackdown na nag-ugat sa pagsalakay ng mga sinasabing terorista na nagmula sa kanilang hanay, noong Agosto.
Gayunman, ilang taon ng problema sa Myanmar ang lumulobong bilang ng mga stateless Rohingya.