Tatlo ang sugatan matapos araruhin ng isang SUV ang mga concrete barrier sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Ortigas flyover na sakop ng Mandaluyong City.
Sa lakas ng pagkakasalpok, lubhang nawasak ang mga barriers na dahilan upang mapaangat pa ang sasakyan sa mga ito na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.
Dahil dito, napilitang dumaan sa EDSA bus lane ang mga pribadong sasakyan dahil sa matinding trapik na idinulot ng naturang aksidente.
Nabatid na galing ng Bulacan ang naturang SUV at hindi napansin ng driver ang nakalatag na concrete barriers sa EDSA na siyang dahilan ng pagbangga nito.
Agad dinala sa ospital ang mga sakay ng SUV at kasalukuyan nang nagpapagaling matapos lapatan ng paunang lunas.