Naghain ng not guilty plea sa kasong frustrated homicide ang SUV driver na ginulungan ang isang security guard na nagmamando ng trapiko sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City.
Mababatid na sinamahan si Jose Antonio Sanvicente ng kanyang abogadong si Danny Macalino para sa kanyang arraignment sa Mandaluyong City Regional Trial Court, kung saan itinakda ng korte ang pre-trial ng kanyang kaso sa Oktubre a-kwatro.
Una nang inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) noong Hulyo na bawal nang magmaneho si Sanvicente matapos i-revoke ang lisensiya nito, bagama’t maaari pa rin siyang bumili ng sasakyan.