Magtataas ng suweldo ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa 16 na rehiyon ng bansa.
Ito’y kasunod ng pag-iisyu ng mga kautusan ng kani-kanilang regional wage boards na magkakabisa ngayong hunyo, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na ang wage orders na magkakabisa bago matapos ang hunyo ay sa eastern visayas, zamboanga peninsula, calabarzon, at caraga.
Magkakabisa ang P35 wage hike sa Zamboanga Peninsula sa Hunyo 25 habang ang P50 pay hike sa Eastern Visayas ay magkakabisa sa June 27.
Simula hunyo 30, magkakaroon din ng bisa ang dagdag sahod sa calabarzon at caraga.
Habang bagong minimum wage rates sa Eastern Visayas ay magiging P345 hanggang P375 at P338 hanggang P351 sa zamboanga peninsula at ang minimum na sahod na P350 hanggang P470 para sa CALABARZON.
Samantala, nagkabisa ang bagong minimum wage na P533-P570 sa National Capital Region (NCR) noong Hunyo 4.