Patuloy ang pag-arangkada ng isinasagawang mass testing para sa COVID-19 ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila.
Batay sa datos, nitong Martes, 9 ng Hunyo, pumalo na sa kabuuang 11,801 ang bilang ng naisagawang swab tests.
Habang umabot naman sa kabuuang 92, 613 ang naisagawang rapid tests sa lungsod.
Isinasagawa ang mga COVID-19 testing sa Manila Health Department at iba’t-ibang pagamutan sa lungsod tulad ng:
- Gat Andres Memorial Medical Center,
- Ospital ng Tondo,
- Justice Jose Abad Santos General Hospital,
- Ospital ng Sampaloc,
- Ospital ng Maynila,
- at Sta. Ana Hospital.