Ipinadala na sa Philippine Genome Center ang swab samples ng walong pilipinong biyahero mula China na nag-positibo sa covid-19.
Sasailalim sa whole genome sequencing ang swab samples upang mabatid kung anong variant ng covid-19 ang dumapo sa mga nabanggit na pinoy.
Ayon sa Department of Health, inaasahang mailalabas ang resulta sa susunod na linggo habang nagsasagawa na rin ng contact tracing katuwang ang Bureau of Quarantine.
Nito lamang miyerkules nang kumpirmahin ng DOH na positibo sa covid-19 ang walong hindi bakunadong pinoy na dumating mula China noong December 27, 2022 hanggang January 2, 2023.