Nanawagan si Senador Francis Pangilinan na pamahalaan na sagutin na nito ang gastusin para sa RT-PCR o swab test ng mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon sa senador, hirap sa pera ang maraming Pilipino dahil sa nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 pandemic kaya’t hindi na dapat dinadagdagan ang pasanin ng mga itinuturing na mga bagong bayani.
Tanong ni Pangilinan, bakit tila pinagkakaitan ng pamahalaan ang mga OFW at hinahayaan silang gumastos para sa swab test sa kanilang pag-uwi sa bansa.
Kaya naman sinabi ng senador, mabuti pang tularan na lang ng pamahalaan ang Cebu Provincial Government na sinasagot ang swab test ng mga uuwing OFW bilang pagbibigay pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya.