Binago ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang nauna nitong inilabas na panuntunan para sa mga turistang bibisita sa Lungsod.
Batay sa bagong guidelines kailangan na muling magpakita ng resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga turista, 72 oras bago ang pagdating sa Baguio.
Bukod pa ito sa pagpaparehistro at pagpapa-schedule sa pamamagitan ng opisyal na website ng Baguio na visita.baguio.gov.ph.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang pag-alis nila noon sa requirements na COVID-19 test result ay maaaring magdulot ng panganib sa mga residente ng Baguio City.
Paliwanag ni Magalong,lalong mapanganib ang nakaraang patakaran sa mga empleyado ng hotel, restaurants at iba pang negosyo na tumatanggap sa mga turista na mula sa ibang lungsod at probinsya kaya’t ibinalik ang naturang requirement.
Samantala, bukas, Marso 19 inaasahang sisimulan ang implementasyon nito. — sa panulat ni Agustina Nolasco