Tinanggal na rin ng ilan pang tourist destination ang swab test requirement para sa mga biyaherong fully vaccinated laban sa COVID-19.
Kabilang sa mga nag-waive ng swab test requirement ang mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Camiguin, Batangas, Oriental Mindoro, Masbate, Camarines Norte, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental at Bohol.
Ayon kay tourism secretary Berna Romulo – Puyat, sapat ng requirement ang vaccination card na inisyu ng Department of Health o mga Local Government Unit.
Ilan naman sa mga tourist destination nag-re-require ng vaccination cards ang Boracay; San Vicente, Palawan; Naga City, Camarines Sur; Baguio City; Cebu City;
Clark freeport zone; Subic Bay Freeport Zone; Dingalan, Aurora; Calbayog City, Samar at Davao Oriental.
Sa kabila nito, muling pinaalalahanan ni Puyat ang mga turista na panatilihin ang minimum health at safety protocols tuwing bibiyahe.—mula sa panulat ni Drew Nacino