Iniimbestigahan na ng Western Visayas Medical Center sa Iloilo City ang pekeng RT-PCR test result na ipiniresenta ng isang empleyado ng Iloilo State College of Fisheries.
Ayon kay Dr. Stephanie Abello, Chief Pathologist ng Western Visayas Medical Center, hindi sila nagpapalabas ng resulta ng COVID-19 test direkta sa tao.
Bagkus aniya ay ipinadadala nila ito sa email sakaling may ahensiyang magrerequest ng resulta nito.
Dagdag ni Abello, makikita rin sa pekeng swab test result ang pekeng logo ng Department Health Region 6 at Western Visayas Medical Center.
Batay sa ulat, nag-leave sa trabaho ang naturang empleyado kaya kinailangan nitong magsumite ng negative swab test result bago nakabalik sa kolehiyo.