Hindi pwedeng maglabas ng resulta ng swab tests sa online portal ng Freedom of Information (FOI).
Ito ang tugon ng Department of Health (DOH) sa publiko makaraang makatanggap ng ilang kahilingan o requests ang kagawaran na maglabas ng resulta sa naturang portal.
Pagdidiin ng DOH, hindi pwedeng maglabas ng resulta ng swab test sa portal, dahil malinaw itong paglabag sa Data Privacy Act.
Kaugnay nito, hinikayat ng DOH ang mga pasyente o indibidwal na naghihitay ng kanilang mga swab results, na mag-follow up sa kanilang testing center hinggil dito.