Sa loob lamang ng 12-24 oras maaari ng makuha ang resulta ng COVID-19 RT-PCR test na isasagawa ng Philippine Airlines (PAL) para sa mga pasahero nitong babyahe mula Manila na sisimulan sa Martes, Disyembre 1.
Nagkakahalaga ang naturang swab test ng P4,500 na pwedeng bayaran sa pamamagitan ng cash, card, mobile wallets gaya ng gcash , paypal, WeChat Pay o Alipay kung saan bibigyan ng P500 discount ang mga pasaherong may ticket.
Ang mga pasaherong nais makakuha ng discount ay mangyari lamang ipakita ang kanilang ID, PAL ticket, QR Code na nagpapakita na nakumpleto na ang registration sa PAL Passenger Profile, health declaration form na makukuha sa official website ng paliparan.
Walang noon time break ang naturang test na isasagawa sa pamamagitan ng drive-thru at walk in mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Lahat ng pasahero maliban sa mga tutungo sa US,Canada at Australia ay kinakailangang magregister at kompletuhin ang online passenger profile at health declaration form, 5 araw bago ang pag-alis.
Kaugnay nito nakikipag-ugnayan na rin ang PAL sa iba pang mga accredited na laboratoryo at testing facility para sa parehas na presyo ng COVID-19 test sa mga lugar gaya ng Metro Manila, probinsya ng Cavite, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Iloilo at Cebu.—sa panulat ni Agustina Nolasco