Aabot sa may 80,000 asylum seekers ang patatalsakin ng Sweden.
Ito ay matapos na i-reject ng pamahalaan ng Sweden ang aplikasyon ng naturang mga migrant.
Ayon sa Interior Minister ng Sweden na si Anders Ygeman, ang mga ipapadeport na migrants at isasakay sa kanilang charter aircraft.
Limampu’t limang (55) porsyento lamang ng kabuuang 163,000 migrants o katumbas ng mahigit 58,000 ang naproseso ang kanilang aplikasyon noong 2015.
Limang beses itong mas mataas kumpara sa bilang ng migrants noong 2014.
By Ralph Obina