Pagtaas ng sweldo, pag-kontrol sa presyo ng mga bilihin at paglikha ng marami pang trabaho ang mga pangunahing inaalala ng mga Pilipino batay sa pinakahuling Pulse Asia survey.
Sa March 15 to 20 survey sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondent, 43 percent ng mga tinanong ang nagsabing ang mataas na sweldo pa rin ang pangunahin nilang inaalala.
Apatnapu’t isang porsyento naman ang nagsabing inaalala nila ang presyo ng mga bilihin at 39 percent sa paglikha ng mga trabaho.
Pasok din sa mga inaalala ng mga Pinoy ang pagsugpo sa katiwalian, 31 percent; kriminalidad, 28 percent; kahirapan, 27 percent at kapayapaan sa bansa, 18 percent.
Ipinunto naman ng Pulse Asia na walang masyadong paggalaw sa performance ratings ng administrasyong Duterte sa pagitan ng December 2016 at March 2017 maliban sa pagbulusok sa 57 percent ng approval rating ng gobyerno hinggil sa territorial integrity.
By Drew Nacino