Muling nanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Party-list na itaas sa P3K ang bayad sa mga guro na magbibigay serbisyo sa 2022 national and local elections.
Ayon kay ACT Member Kristhean Navales, dapat na bigyang prayoridad ng pamahalaan ang mga gurong magbabantay sa papalapit na eleksiyon lalo nat nasa gitna parin tayo ng pandemya.
Matatandaang pumayag ang COMELEC na taasan ng dalawang libo ang honoraria at ibang allowances ng poll workers, dahil sa posibleng mahabang oras ng botohan ngayong pandemya.
Ayon sa COMELEC, ang mga Chairperson ng Election Board ay makakatanggap ng P7,000; sa Electotal Board ay P6,000; sa DESO ay P5,000; sa Support Staff ay P3,000 at Medical Personnel ay P3,000.
Sinabi naman act Partylist na kulang at hindi patas ang sweldo para sa mga guro dahil hindi lamang sa araw ng eleksiyon nagsisilbi ang mga ito kundi pagkatapos din ng halalan kung saan, nalalagay pa sa peligro ang buhay ng mga guro. —sa panulat ni Angelica Doctolero