Iminungkahi ni Senador Ralph Recto na ipantay sa ang sweldo ng mga nurse sa sweldong natatanggap ng mga health worker na nasa gobyerno.
Tinawag ito ni Recto na “sana all” na konsepto kung saan aniya karapat-dapat naman na mapabilang sa mga tinataasan ang sahod ang mga nurse sa bansa.
Ani Recto, dapat ang salary grade 15 ang bagong benchmark para sa kumpensasyon ng lahat ng lisensyadong health professional sa gobyerno.
Dagdag pa ng senador, kinakitaan ngayon ng katapangan at dedikasyon ang mga maraming health worker sa bansa dahil sa nararanasan ngayon na pandemya bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).