Magpapatupad ng E-Payment System para sa sweldo ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia.
Ito’y matapos nagkasundo ang Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia.
Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) secretary Susan Ople, na layunin itong maiwasan ang mga kaso ng pang-iipit o delayed na pa-sweldo.
Dagdag pa ni Ople, mayroon nang hahawakang ebidensiya ang mga Pilipinong mangagawa kung aabusuhin sila ng kanilang employer.
Kaugnay dito, tutulungan din ng Saudi Government ang mga biktima ng Human Trafficking. —sa panulat ni Jenn Patrolla