Dumaan sa butas ng karayom si Swiss Tennis Star Roger Federer bago ito tuluyang makalusot sa sunod na round ng US Open.
Bagamat nanalo, aminado si Federer na nahirapan siya nang husto sa 19 anyos nitong kalaban na si Frences Tiafoe ng Amerika.
Sa huli nanaig pa rin ang galing ng No. 3 Seed na si Federer na tinapos ang laban sa iskor na 4-6, 6-2, 6-1, 1-6, 6-4.
Ito na ang ika-79 na panalo ni Federer sa US Open na pumapangalawa kay Jimmy Connors na may 98 panalo.