Nakatakdang buksan sa April 2018 ang isang modernong transport terminal sa Parañaque City.
Ayon kay Transportation Undersecretary Thomas Orbos inaasahang masusulusyunan ang problema sa trapiko sa pagbubukas ng Southwest Integrated Transport Exchange o SWITex.
Pinagsamang terminal ng LRT, Bus, UV Express at Jeep ang SWITex para madaling magpalipat-lipat ng masasakyan ang mga pasahero.
Dagdag pa ni Orbos halos aabot sa 1000 bus ang inaasahang mawawala sa EDSA na makakapagpaluwag sa trapiko.
Sa ngayon ay nasa halos 50 porsyento na ang natatapos sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng tatlong bilyong piso.
—-