Tinatayang 3.1 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan ng 2016 o 13.9 percent.
Ayon sa survey ng SWS o Social Weather Stations mas mataas ito sa 10.6 percent o 2.4 na milyong pamilya na naitala mula Hulyo hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Gayunman, ayon sa SWS, halos hindi nagbago ang dami ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa kabuuan ng 2015 na umabot sa 13.4 percent kumpara sa kabuuan ng 2016 na umabot sa 13.3 percent.
Isinagawa ang survey sa may 1,500 respondents mula December 3 hanggang 6, 2016.
By Len Aguirre