Maaari pang magbago ang isip ng mahigit sa 30 porsyento ng mga botante dahil hindi pa naman sila desidido sa kanilang mga kandidato.
Ito, ayon kay Social Weather Stations (SWS) Senior Survey Research Specialist Leo Larosa.
Dagdag pa ni Larosa, may apat na porsyento mula sa kanilang mga nakapanayam na wala pang tiyak na iboboto.
Gayunpaman, mahigit 60 porsyento na ang desidido sa kung sinong mga kanididato sa pagka-presidente at bise presidente ang kanilang iboboto.
Batay sa pinakahuling survey ng SWS, si Davao City mayor Rodrigo ang nangunguna sa hanay ng mga presidential candidate habang statistically tied naman ang mga vice presidential candidate na sina Congresswoman Leni Robredo at Senador Bongbong Marcos.
By Avee Devierte