Limampu’t apat (54) na porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang may kalayaan sa pagpapahayag o freedom of speech sa ilalim ng gobyernong Aquino.
Resulta ito ng survey ng Social Weather Stations sa 1, 200 respondents.
Dalawampu’t dalawang (22) porsyento naman ang hindi naniniwalang may freedom of speech sa kasalukuyang gobyerno at 24 na porsyento ang hindi makapag-pasya.
Ang freedom of speech ay pinakamababa sa ilalim ng Aquino administration sa positive 24 noong March 2013.
By Judith Larino