70% ng mga Pilipino ang nangangamba sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Chinese sa bansa.
Ayon sa third quarter 2019 Social Weather Station (SWS) survey, 31% ng respondents ang “worried with great deal” sa pagdami ng Chinese workers sa bansa; 39% ang “somewhat worried”; 19% ang nagsabing “are not too worried” at 11% ang nagsabing “not at all worried”.
Lumalabas din sa resulta ng survey na 27% ang strongly agreed at 25% ang somewhat agreed na ang ang patuloy na pagtaas ng bilang ng Chinese workers sa bansa ay banta sa pangkalahatang seguridad ng Pilipinas samantalang 14% ang somewhat disagreed, 13% ang strongly agreed at 21% ang undecided.
Sa 321% na worried with a great deal, 71% ang sumang ayon na ang dumadaming Chinese workers sa bansa ay banta sa seguridad ng pilipinas habang 20% naman ang disagreed na nagbunsod sa net agreement score A extremely strong positive 51.
Ang survey ay isinagawa mula September 27-30 gamit ang face to face interviews sa 1,800 adults.